"Epekto ng pagbabahagi ng mga impormasyon sa Social Media"

                    Ano ka ba klaseng tao sa Social Media? Ikaw ba ay ekspresiv? o ang pribadong tipo na tao? Mahlig ka ba sa Social Media? Aktibo ka ba dito? Ikaw ba ang palaging "nagpopost" o nagbabahagi? O ikaw ay isa sa mga bumabasa lamang? akomento dito minsan, o may "pashare" din, o baka naman talagang tumitingin at nagbabasa ka lang talaga? Sa sulatin kong ito, ibabahagi ko kung ano ang mga epekto ng sobrang impormasyon tungkol sa ating sarili sa ating mga social media.
                       
            Napakaimportante ang social media sa ating lahat. Sa pamamagitan nito, magkakaroon tayo ng komunikasyon sa ating pamilya o mga kaibigan kahit saan man sila. Sa social media, maaari din natin maibahagi ang ating mga damdamin o ang nasa isip natin. Ngunit ngayon, karamihan sa atin ay napapasobrahan na ang paggamit nito. Napapasobrahan na ang pagpopost ng tungkol sa sarili, katulad ng iyong lokasyon ngayon, o kapag may pupuntahan ka, o ang iyong cp no., o kaya naman ay kapag napakaraming "facts" na tungkol sa iyong sarili ay naibahagi mo na sa lahat. Sa pamamagitan nito, mas madali kapag may taong may gustong magnakaw o manakit sa iyo. Mas madali nila itong masundan o kaya naman ay "e-set-up". Meron din ibang tao na gagamitin ang mga impormasyon na ito upang nakawin ang iyong identity, o doblehin ito, at "e-access" ang iyong mga datus gamit ang mga napost mong mga facts. Ilan lamang ito sa iba pang mga negatibong epekto ng sobrang pagbabahagi ng impormasyon ng iyong sarili. 

                    Paalala lang sa lahat, wala mang masama sa pagbabahi ng iyong sarili, ngunit huwag lang natin itong pasobrahan, dahil napakaraming negatibong epekto ito. Bago tayo mag post, iisipin muna natin kung ano ang mga maaaring epekto nito sa sarili natin at sa ibang tao. Ito ay dahil lahat ng tao ay makakakita nito, hindi lamang ang sarili natin. Sana sa pamamagitan ng sulat kong ito, ay may makukuha kayong aral at mas maging maingat kayo sa iyong mga post. 



-Nicole Tormon

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Epekto ng Social Media

Pulitika, Ano na nga ba ngayon?