Epekto ng Social Media
Paksa: Epekto ng Social Media
Para kanino: Para sa mga estudyante at adik sa Social Media
Layunin: Ibahagi ang negatibo at positibong epekto ng bsocial media
Isinulat ni: Mary Noreen L. Diopenes STEM12H
Hulyo 18, 2017
Para kanino: Para sa mga estudyante at adik sa Social Media
Layunin: Ibahagi ang negatibo at positibong epekto ng bsocial media
Simula noong na imbento ang modernong teknolohiya, particular na ang computer at internet, nagkaroon tayo ng mga tinatawag na social media. Ang social media ay mga websites at applications na ginagamit natin upang makapaggawa at makapagbigay ng komento o di kaya naman ginagamit ito upang makapag-ugnay sa social network.
Ang social networking ay ang pakikipag-ugnayan ng isang indibidwal na magkalayo sa isa't isa. Maganda naman ang gamit ng mga social media katulad ng skype, facebook, twitter atbp. Ginagamit ito ng nakararami para sa komunikasyon tulad ng mga nagtatrabaho bilang ofw.
Dahil sa pagkaimbento ng social media, maaari na makipag-usap sa mga kaibigan, kamag-anak o kapamilya abroad o sa malalayong lugar. Nasasabi mo na din kung anu-ano ang nasa loob ng isip mo at mapapadama mo na sa ibang tao ang iyong mga ideya, komento o mga opinyon tungkol sa isang bagay. Maaari ka ring mag share ng mga interes tulad ng mga kanta, maaari mo itong ipamahagi sa mga kaibigan mo gamit ang social media.
Subalit, kung may magandang epekto ang social media, mayroon din namang masasamang epekto ito. Ngayon kasi, maraming kabataan ang naaadik sa paggamit ng mga ito.
Sa gabi, maraming kabataan ang nagpupuyat saa paggamit ng facebook. Hindi ito maganda sa kalusugan ng mga kabataan. Social media rin ang may dahilan kung bakit ang ibang mga tao ay binabago nila ang kanilang mga impresyon sa ibang tao. May mga ilan na masyado silang bukas sa social media at minsan nasasabi nila ang mga hindi dapat nila sabihin sa publiko.
Nakakaapekto rin ito sa pag-aaral. Kapag masyadong maraming oras ang inilaan sa social media, maaaring nakakalimutan na ang mag-aral para sa mga pagsusulit.
Kapag hindi ito tinutukan ng mga magulang ay palagi na lamang ganito ang buhay ng mga bata. Ang masasamang epekto nito ay maiiwasan kung may sapat na patnubay ng mga magulang ang mga kabataan na gumagamit nito.
Isinulat ni: Mary Noreen L. Diopenes STEM12H
Hulyo 18, 2017
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento