Pulitika, Ano na nga ba ngayon?

          Ano nga ba ang pulitika?Kapag tayo ay nakaririnig ng ganitong salita, tayo ay napapaisip, ano nga ba talaga ang pulitika? Ito ba'y nakabubuti sa atin? O sadyang bulag lamang tayo sa kung ano ang tunay na nangyayari sa inang bayan? Pulitika pa rin ba kung maituturing kapag pansariling interes ang pinapairal? O pulitika ito kung tawagin dahil naglilingkod sa bayan ng walang hinihintay na kapalit?
          Sa pang araw-araw na buhay natin, hindi talaga maiiwasan ang pulitika. Madalas itong laman ng telebisyon, radyo, at higit sa lahat mga pahayagan. Maging sa mga bahay natin kapag tayo ay naghahapunan hindi malilimutan ang diskusyon sa hapag-kainan tungkol sa pulitika. Pero ano na nga ba ang estado ng pulitika sa Pilipinas?
          Sabi nila, mamamayan ang siyang makapangyarihan dahil sila lamang ang may karapatang magluklok ng isang pulitiko sa posisyong kanyang nais. Pero bakit hanggang ngayon sambayanang Pilipino pa rin ang nagdurusa? Kasalanan ba nila ito? O sadyang bulag-bulagan lamang sila sa kung ano ang tunay na nangyayari?
          Sa mga sitwasyong ito, nagpapatunay lamang na ang pulitika sa Pilipinas ay magulo. Meron nga tayong sistemang tinatawag pero hindi naman ito organisado. Batas sa Pilipinas ay kalimitang sinusunod at ang mas malala pa dito ay kung sino pa ang mataas ang posisyon ay siya pang hindi sumusunod. Dahil rito, marami sa opisyales ng pamahalaan ang humaharap sa samu't saring kaso. Katulad na lamang ng "Pork Barrel" na kinasangkutan ni Janet Napoles. Simula't sapol marami ng pulitiko at opisyales ng pamahalaan ang nasasangkot sa korupsyon at hanggang ngayon hindi pa rin ito naaagapan o nasosolusyunan. Pero papaano nga naman ito mareresolba kung pulitiko mismo ang nanginginabang? Saan napupunta ang kaban ng bayan? Sa mga bulsa ba ng mga gahaman na pulitiko at opisyales ng pamahalaan? Dahil kung tutuusin walang pagbabago sa Pilipinas. Walang mga bagong proyekto na pakikinabangan ng mga mamamayan at higit sa lahat ekonomiya sa Pilipinas ay sobrang baba. Ganito na lang ba tayo? Hahayaan na lng ba natin ang baluktot na pamamalakad ng pamahalaan? O kikilos tayo para sa ikabubuti ng nakararami.
          Marami sa ating mga Pilipino ang walang alam sa nangyayari sa pulitika. Panahon na para ito ay tuldukan. Kumilos tayo at ipaglaban ang karapatang nararapat sa atin. Imulat ang mga mata upang kamalian ay makita at atin nang wakasan ang ganitong pamamalakad sa ating bansa.


- Shaina Ella Lera-og
          


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Epekto ng Social Media

"Epekto ng pagbabahagi ng mga impormasyon sa Social Media"