"Kung ano ang uso"
"Kung ano ang uso"
Mahilig ba kayo sa mga bag tulad ng Channel,Gucci,Michael Korrs at iba pang imported? O di kaya sa maga imported na tsokolate at mga pabango? Mahilig karin ba sa k-drama? Kung oo ang sagot mo, isa ka sa mga taong mayroong "colonial mentality". Ang colonial mentality ay isang pagbabago sa mentalidad ng isang bansa o tao ukol sa kultura nito. Marami sa atin ngayon ang may roong ganitong pag-uugali lalong lalo na ang mga kabataanngayon. Kahit saa ka magpunta makikita mo ito.
Kung tatanungin mo ang mga kabataan ngayon kung sino sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at ang Gomburza ay hindi nila ito lubusang kilala ang pagkakaalam lang nila ay silaang mga bayani ng Pilipinas na nagsakripisyo ng kanilang buhay upang makamit ang kalayaan, pero kapa tatanungin mo ang mga kabataan ngayon kung sino ang mga bida ng isang k-drama ay halos kabisado nila di lang mga pangalan at karakter pati na rin ang kanilang diyalogo. Marami sa atin ang gumagamit ng mga produkto na galing sa ibang bansa kasi para sa atin mas matibay o mas masarap ito kaysa sa gawang lokal. Tayo kasing mga Pilipino'y may pagdududa o walang tiwala sa ating sariling produkto na kung tutu-usin ay di hamak na mas matibay at mas kaya ng bulsa natin ang presyo.Ang mas nakakatawa pa ay karamihan sa mga produktong ini- export sa ibang bansa ay galing sa Pilipinas kagaya ng mga sapatos at mga sapatos at mga tsinelas, pagkatapos nun ay ibibenta na ulit ito sa Pilipinas pero may patong na ang presyo at saka pinalitan na ito ang kanyang pangalan o ang tinatawag nilang "Brand Name". Tayong mga Pinoy naman ay bibilhin natin ito dahil sa pagkakaalam natin ay imported ito. Tuwing nangyayari ito ay pumupunta ang ating pera sa Amerika at ang ating ekonomiya ay naaapektuhan. Dapat nating suportahan ang ating mga produkto ganun rin ang gobyerno, dapat ay mas bigyang pansin nila ang ating ekonomiya.
Malaki ang impluwensya ng ibang bansa sa atin, sa ating pagsasalita, sa ating pag iisip, sa ating kultura at marami pang iba. Hindi naman masama na gawin natin ito pero dapat may limitasyon rin. Sa totoo lang ay mahirap alisin sa atin ang colonial mentality pero kapag mas tinangkilik natin ang ating produkto sa tulong ng gobyerno ay toyak na mas mabibigyang pansin ito ng mga Pilipino, mahirap tanggapin na tuluyan na nga tayong napagiwanan ng ibang bansa. Ikaw, mas gugustuhin mo pa ba na maging maunlad ang ibang bansa kaysa sa sarili mong bansa?
-Mary Angie Lou Parreno
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento