Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2017

"Kung ano ang uso"

"Kung ano ang uso"    Mahilig ba kayo sa mga bag tulad ng Channel,Gucci,Michael Korrs at iba pang imported? O di kaya sa maga imported na tsokolate at mga pabango? Mahilig karin ba sa k-drama? Kung oo ang sagot mo, isa ka sa mga taong mayroong "colonial mentality". Ang colonial mentality ay isang pagbabago sa mentalidad ng isang bansa o tao ukol sa kultura nito. Marami sa atin ngayon ang may roong ganitong pag-uugali lalong lalo na ang mga kabataanngayon. Kahit saa ka magpunta makikita mo ito.    Kung tatanungin mo ang mga kabataan ngayon kung sino sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at ang Gomburza ay hindi nila ito lubusang kilala ang pagkakaalam lang nila ay silaang mga bayani ng Pilipinas na nagsakripisyo ng kanilang buhay upang makamit ang kalayaan, pero kapa tatanungin mo ang mga kabataan ngayon kung sino ang mga bida ng isang k-drama ay halos kabisado nila di lang mga pangalan at karakter pati na rin ang kanilang diyalogo. Marami sa atin ang gumagamit ng ...

Pulitika, Ano na nga ba ngayon?

          Ano nga ba ang pulitika?Kapag tayo ay nakaririnig ng ganitong salita, tayo ay napapaisip, ano nga ba talaga ang pulitika? Ito ba'y nakabubuti sa atin? O sadyang bulag lamang tayo sa kung ano ang tunay na nangyayari sa inang bayan? Pulitika pa rin ba kung maituturing kapag pansariling interes ang pinapairal? O pulitika ito kung tawagin dahil naglilingkod sa bayan ng walang hinihintay na kapalit?           Sa pang araw-araw na buhay natin, hindi talaga maiiwasan ang pulitika. Madalas itong laman ng telebisyon, radyo, at higit sa lahat mga pahayagan. Maging sa mga bahay natin kapag tayo ay naghahapunan hindi malilimutan ang diskusyon sa hapag-kainan tungkol sa pulitika. Pero ano na nga ba ang estado ng pulitika sa Pilipinas?           Sabi nila, mamamayan ang siyang makapangyarihan dahil sila lamang ang may karapatang magluklok ng isang pulitiko sa posisyong kanyang nais. Pero bakit hanggang ngayon samb...

"Epekto ng pagbabahagi ng mga impormasyon sa Social Media"

                    Ano ka ba klaseng tao sa Social Media? Ikaw ba ay ekspresiv? o ang pribadong tipo na tao? Mahlig ka ba sa Social Media? Aktibo ka ba dito? Ikaw ba ang palaging "nagpopost" o nagbabahagi? O ikaw ay isa sa mga bumabasa lamang? akomento dito minsan, o may "pashare" din, o baka naman talagang tumitingin at nagbabasa ka lang talaga? Sa sulatin kong ito, ibabahagi ko kung ano ang mga epekto ng sobrang impormasyon tungkol sa ating sarili sa ating mga social media.                                     Napakaimportante ang social media sa ating lahat. Sa pamamagitan nito, magkakaroon tayo ng komunikasyon sa ating pamilya o mga kaibigan kahit saan man sila. Sa social media, maaari din natin maibahagi ang ating mga damdamin o ang nasa isip natin. Ngunit ngayon, karamihan sa atin ay napapasobrahan na ang paggamit nito. Napapasobrahan na ...

Epekto ng Social Media

Paksa: Epekto ng Social Media Para kanino: Para sa mga estudyante at adik sa Social Media Layunin: Ibahagi ang negatibo at positibong epekto ng bsocial media                               Simula noong na imbento ang modernong teknolohiya, particular na ang computer at internet, nagkaroon tayo ng mga tinatawag na social media. Ang social media ay mga websites at applications na ginagamit natin upang makapaggawa at makapagbigay ng komento o di kaya naman ginagamit ito upang makapag-ugnay sa social network.                               Ang social networking ay ang pakikipag-ugnayan ng isang indibidwal na magkalayo sa isa't isa. Maganda naman ang gamit ng mga social media katulad ng skype, facebook, twitter atbp. Ginagamit ito ng nakararami para sa komunikasyon tulad ng mga nagtatrabaho bilang ofw.         ...

Gusto Ko Imported

                    Isa ka ba sa mga Pilipinong mahilig sa imported? Na mas nais ang sapatos ni Mario D' Boro, kaysa sa gawang Marikinang pulido? Mamatay-matay makabili ng "Havaianas" na mayroon namang "Dragon" na mas abot kaya? O kaya ay mas suportado ang KPOP sa halip na OPM? Kung oo ang sagot mo, puwes may "Colonial Mentality" ka!                  Hindi maikakailang mas kaakit-akit sa mata ang bag na may pangalang "Prada" kaysa "Secosana". Kadalasang mas mahal ngunit ayos lang dahil gawa namang banyaga. Nakakamangha ngunit nakakabahala rin kung isipin kung gaano kalaki tayong mga Pilipino magpahalaga sa mga obrang hindi naman atin. Palagi nating tingin na mas maganda ang produkto ng ibang bansa kaysa sa ating sarili. At kung pagkagusto sa mga banyagang bagay ang pag-uusapan, aba eh, itinodo na natin. Maging banyagang wika ay kinuha at isinantabi ang wikang pambansa. Kung ikaw ay laking...